Nakakainis talaga nung kumuha ako ng NBI Clearance!

Hay naku! Ang malas ko pagdating ko sa NBI sa Cebu City kasi tamang tama din na nagblack-out! Ayun, dami pang tao na naghihintay. Malapit ng mag 12:00 pero hindi parin tapos sa ngayon. Dami pa rin pila. Ang nakakainis pa eh, di man lang ako umabot sa pagkuha ng form kasi cut-off na daw ang pagrelease ng form. Kaya babalik na naman ako mamayang 12:30pm para makakuha ng form. Ang sabi 2 valid ID’s pero isa lang ang dala ko. Hehehe, pwede naman sigurong makiusap. Eto ako ngayon nag-iinternet, laro ng farmtown. Pampalipas oras lang. Habang inaantay ko ang 12:30pm. Sana makakuha na ako para wala nang problema.

Leave a comment