Latest Internet Promos for TNT Talk N Text

Lahat tayo ay gustong makamura lalo na ngayong tinanggal na ng mga telcos ang Unlimited Internet. Pero may iilang paraan ginawa ang Talk N Text na makatipid tayo. Ang mga sumusunod ay ang mga pinakabago nilang promo.

May Unli Facebook ang TNT for only 10 pesos may 3 days Facebook na, yun nga lang limited for 200mb per day ang viewing ng photos and videos, kaya pagkakasyahin nyo yan sa isang araw. At pag naubos mo ng maaga ang 200mb, hihintayin mo magmadaling araw (12 midnight) para magreset ang data allowance sa 200mb.

To register: Text Facebook10 to 4545

Ganun din sa mga mahihilig sa COC (Clash of Clans), may promo din ang TNT good for 3 days for only 10 pesos din na may 200mb data allowance per day.

To register: Text COC10 to 4545

Meron din po para sa mga adik sa Mobile Legends, ganun din ang allocation na titipirin nyo sa isang araw at magreset ulet every midnight

To register: Text ML10 to 4545

At syempre ang gustong gusto ng mga tao ang want to sawa na access sa lahat ng mobile apps at websites. Ang bagong promo ng Talk N Text na Allday20 good for 1 day unli access to all websites and apps. Wala po itong video streaming, torrents or downloading large files. Mejo dahan dahan din sa paggamit dahil meron din itong limit na 800mb per day at minsan nga naba-block ang ating SIM pag napasobra ang gamit mo. Para kasing hindi nadedetect ng TNT na lumalagpas ka na sa usage at bigla ka nalang puputulan ng data at ayaw na magconnect, actually naka tatlong sim na ako. NagPM na ako sa Facebook page ng TNT pero kahit seen man lang ay wala. Mas mahirap din na tumawag sa costumer service, daming tanong at pag-aantayin ka pa ng mga ilang minuto.

To register: Text ALLDAY20 to 4545

Hindi ko rin alam kung meron pa nitong UNLI20 to 4545 kasi lately lang nakapagparegister ako nito. Unli apps and websites din sya.

Magandang magregister ng AllDay20 sa bandang hapon, para tamang tama na mauubos mo ang 800mb hanggang sa magreset ulet ito sa madaling araw. So parang nakadalawang 800mb ka sa promo na ito, kaya sulit na rin.

Kung may alam kayong mas magandang promo ng TNT, maaaring ishare nyo sa comment box sa baba. Maraming salamat!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s