Sa aking pagbabalik sa wordpress!

Namiss ko ring magsulat ah, andami kung gustong sabihin. Napakahirap na talaga ng buhay. Ang hirap makahanap ng trabaho dito sa Maynila, lalo na pag di ka graduate ng college. Ano bang kailangan kung gawin para makuha ko ang gusto kung trabaho? Gusto kung magtrabaho sa isang call center company pero less ako sa english communication skills. Pa’no ba yon? Sana may call center company nalang na tagalog ang language pag kumausap ng customer, kainis! Bat kasi ang hirap ng buhay, di ako nakapag-aral kahit gustong gusto ko. Dala na rin ng kawalang budget.

Halos isang taon na rin ako dito pero walang stable na trabaho. Minsan naisip ko, di ko na kaya, gusto ko na umuwi. Sa ngayon andito ako sa Imus, Cavite. Living with my friend, sama-sama ako sa mga raket nya. Naging Sales Agent ako ng PLDT, naging Reseller ako ng SMART, pati SKY Cable hawak namin. Dream Satellite nga pala meron din kami.

Kaya naman naisipan naming gumawa nalang ng account sa Sulit.com.ph ng parang company/agency. Ito ang TechALLProducts na pwede nyong bisitahin sa http://www.techallproducts.sulit.com.ph. Ang site na ito ang nagsisilbing daan ng aming mga customer para makapag-apply sa amin ng mga ISP, cable providers ng walang hinihinging bayad sa kanila. Tinutulungan lang namin sila sa pag-apply upang hindi sila mahirapan na pumunta pa o pabalik-balik sa business center.

Ang pinaka patok sa aming benta ay ang PLDT Products, andaming nag-aaply araw-araw, karamihan nga lang ay di naaprobahan ng PLDT dahil sa walang facility or wala ng available port. Pangalawa naman ang SMART Bro. Ito yong pinakamabilis na proseso, once kasi na nag-fill-up sila ng aming Online Application Form, ipaprocess namin ito. May sarili kasi kaming system ng SMART para i-encode ang mga benta namin. Sa madaling salita, mas madaling kumita sa SMART kaysa sa PLDT.

Mahirap din pag may sabay-sabay na nag-apply, tambak talaga!

Teka lang napahaba ang sulat ko ah, sa susunod naman, masakit na ang daliri ko. Ipagpapatuloy ko ito sa aking pagbabalik. Di ko alam kung kailan. Salamat sa pagbasa!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s